Di Ka Pasisiil (Uncaptured)
A play production spear headed by Abigail Biscocho, written by Frances Aquino, and ensembled by Winona Ortega. Music directed by David Pendon with Andre Malijan and Research headed by Jeredan Tunac with the special assistance of Benice Arcangel, Mikayla Babol and Andrei Zapanta.
![]() |
poster executed by Jackie Cruz |
Excerpt of Script:
Naghanap, nagtanong.
Kung ang bawat isa ay para sa kanya lamang
Sino ang para sa ating lahat?
Isang kwento ang aking narinig
Sa lumang bayan ng Pampanga
Isang lalaki na tinawag nilang alamat
Isang lalaking sadyang tapat
Kilala bilang;
Matapang na Moro
Pinakamatapang sa isla
Ang lalaking hindi nabulag, sa pagpukaw-loob ng mga mapagsamantalang dayuhan
Tumanggi, sa tuksong pumasakanila
Hindi tulad ng iba
Ang kalayaan ang isinuko
Kapalit ng kapalarang
Di nila mawari
Sakay ang dalawang libong tao
Sa barkong caracoa dalawang libong taong, nag hangad ng kalayaan
Kalayaang maaring di makamtan,
Kalayaang maaring di maparinggan
Ang mga berdugong nag tungo sa laban
Kailan man ay di na nasilayan
Kung ano nangyari sa kanila’y di natin alam
Pangalan nila’y di na muling napakinggan
Isang Pilipinong pilit na ipinaglaban na hindi madungisan ng itim ang puti nitong taglay
Pilipinong kilala sa kanyang mga nagawa
Kilala rin sa pangalang, wala
Kaya naman kung ako’y tatanungin kung sino ang bayani,
Ang bayani,
Ang mga taong naglalaan ng oras,
Sandali, at panahon
Mga taong umaasa sa bukas, na kahit paulit-ulit,
paulit-ulit at
paulit-ulit man
Ay hindi napapagod magpamahagi ng karunungan
Sa pag-asang mabuksan ang isip at diwa ng kabataan
Sinong magbubuhos ng dugo at pawis,
Magbubuhos ng luha,
Magbubuhos ng bawat pulgada
Ng kanyang pagkatao Upang puksain ang kanser,
Ang kanser.
Ang kanser na di mamataymatay
Di matapostapos
Di mahilom hilom
Ang napakalalim na hinagpis,
Ang umiiral na kadiliman,
Ang hidwaan sa pagitan ng puso’t isipan,
Na kung tutuusin, ay di niya naman kailangang problemahin
Kung hindi niya nanaisin.
Kung iisipin,
Sino ang bayani?
May mga taong nagbubuhos ng dugo’t pawis
Ang mga taong kahit pagod na pagod
at walang pahinga,
hindi nag aatubiling bumangon kahit iba’y tulog pa
Upang ihanda ang anak sa araw na kahaharapin
Ang pundasyon sa bukas na hahamakin
At kung tatanungin, sino ang bayani
Ang bayan,
Na tulad ng bayani ng Pampanga
Na madalas ay hindi naman kailangan ng pangalan
Hindi naman palaging nabibigyang parangal
O hindi naman nababanggit
Ang bayani,
Ay di kailangang mamatay
At di kailangang pumatay
Dahil ‘di dito nakasalalay ang halaga ng kanilang buhay
Kung ang bawat isa ay para sa kanya lamang
Sino, ang para sa ating lahat?
Sinong maglalakas loob na papasan sa bigat ng mga pusong hapong hapo,
Didinig mga iyak ng mga ibong, nagpupumiglas sa kanilang hawla
Ang tutugon sa sugat na dulot ng pagnanais sa kalayaan
Sino ang lalaban sa sakit na kumakalat na
Habang tumatagal ay s’yang pumapatay
Sa pag-asa, pangarap, at pag-ibig sa bayan
Kung ang bawat isa ay para sa kanya lamang
Sino, ang para sa ating lahat?
May mga bayaning namatay,
kilala sa kanilang mga nagawa
May mga bayaning,
Kilala rin sa pangalang
wala
Sa Manlulupig
Di Ka Pasisiil